#IkawNaman
O 17 - GLENN YMATA
COUNCILOR
District 1 - Caloocan City
Partido Lakas ng Masa (PLM)
“Hindi ko po kakayaning gumastos ng malaki sa kampanya.
Hindi ko po gagawin 'yan para lang bawiin pag ako’y Konsehal na. Gagawin nating malinis ang ating kampanya dahil ito po ang tama."
PLATAPORMA
"Hindi kailangang sikat at mayaman. Ang dapat ay may Talino, Galing at Paninindigan. Si GLENN YMATA ang inyong magiging MATA sa Konseho." #IkawNamanGlenn
"Si GLENN ay nagmula sa simple at di-sikat na pamilya, nagsikap para makapagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas at nagtrabaho kasama ang iba't ibang sektor at institusyong pangpubliko at pangpribado. Dito ay nahubog ang kanyang kasanayan sa paglikha ng mga polisiya at programa upang tugunan ang mga problema at isyu ng ating lipunan. Nais niya itong ibahagi sa Caloocan dahil may pangarap siya sa mga mamamayan nito. Kailangan natin ng disenteng pamumuhay, trabaho at kabuhayan, pag-igihin at palawagin ang mga serbisyo at benepisyo ng bawat indibidwal, gawing ligtas at kaaya-aya ang kapaligiran, at bigyang daan ang pagpapahusay ng kakayahan ng bawat isa sa pamamagitan ng de-kalidad na pasilidad para sa mga kabataan, senior citizens, kababaihan at may kapansanan. Alam niyang hindi ito madali ngunit kung magtutulungan ang lokal na pamahalaan at mga instrumento nito, mga ahensya ng national governments, pribadong sektor, simabahan at iba pang interfaith organizations at higit sa lahat ng masiglang paglahok ng mga peoples organization at mga residente ng Caloocan, mabilis nating matutunghayan ang pinapangarap nating primyadong syudad ng dahil sa mga panahong ito, ang higit dapat na nakikinabang at umaasenso ay #IkawNaman."
PEOPLES' AGENDA TOWARDS CALOOCAN'S TRANSFORMATION (PACT)
Local Economic Agenda for Development
(LEAD)
Pasiglahin at palakasin ang mga lokal na industriya at negosyo, lumikha ng strategic road map at magdevelop ng mga sentro ng industriya at negosyo para humikayat ng mga investors na magtayo ng kanilang pabrika at establisimento sa Caloocan. Ayusin at gawing simple ang mga patakaran at proseso sa pagnenegosyo, building permit at iba pang rekisitos upang maenganyo ang mga mamumuhunang lokal o dayuhan.
Bigyang laya at proteksyon ang mga vendors at maliliit na manininda pamamagitan ng paglalaan ng mga lugar kung saan sila maalwat na makapagsasagawa ng kanilang kabuhayan. Bigyan ng tulong pinansyal at pag-aaral sa tamang pagnenegosyo upang matiyak ang paglago nila at maging aktibong bahagi ng mas malaking ekonomiya. Isang paraan dito ay gawin silang rehistrado at tratuhin gaya ng mga pormal at malalaking negosyo.
Green, Livable and Empowered Networks & Neighborhood (GLENN)
Bigyang laya ang direktang partisapasyon at palakasin ang kakakayahan ng iba't ibang organisasyon at komunidad na magpanukala at magsagawa ng mga polisiya at programa. Pangungunahan nila ang mga gawaing pangangalaga ng kapaligaran, pagpapatibay ng kanilang mga kabahayan at pampublikong imprastruktura, pangangasiwa sa basura, at emergency response, rehabilitation and recovery efforts sa Caloocan bilang kaagapay ng lokal na pamahalaan at mga pambansang ahensya.
Communication and Information Technology for Development (CommITment)
Paglalatag ng mga digital infrastructures, facilities and hubs para sa epektibong pamamaraan ng komunikasyon at mabilis na internet at gawin itong libre sa mga mahihirap na komunidad. Ito ay magbibigay daan makapagpatuloy ang mga mag-aaral at empleyado sa kanilang on-line classes o work-at-home setup. Ang CommITMent din ang magluluwal ng mga IT-based and computer-aided solutions para sa episyenteng pamamahalang lokal.
Ang mga pasilidad ding ito ay magagamit para sa mabilis na pagtugon sa mga dagliang sakuna o insidente, crime prevention at promotion of peace-and-order sa pamamagitan ng centralized and decentralized Command Centers sa pakikipag tulungan na rin ng iba't ibang ahensya at ng mga organisasyong bahagi ng GLENN.
Workers Opportunity & Welfare (WOW)
Kaakibat ng pagsasaalang-alang sa interes ng mga negosyante at investors ay ang proteksyon sa ating mga manggagawa. Gawing ligtas ang lugar pagawaan, disenteng pasahod at may kaseguruhan sa kanilang trabaho. Ang Workers Affairs Office ang magiging mekanismo para sa magandang relasyon ng kumpanya at manggagawa. Kasama rin dito ang pagsasaayos at regularisasyon ng mga manggagawa sa pampublikong institusyon gaya ng City Hall.
Ilunsad ang programa na magpapataas ng kakayahan at talento ng mga residente lalo't higit ng mga kabataan at mga manggagawang nawalan ng trabaho upang mabigyang oportunidad na makapagtraho at kumita batay sa kanilang pangangailangan. Kaugnay ito ng Local Economic Agenda for Development (LEAD) na lilikha ng mga pangangailangan ng libu-libong trabaho para sa mga taga-Caloocan.
Healthcare Automatic Response & Treatment
(HeART)
Suportahan ang mga nasimulang pasilidad pangkalusugan. Paglaanan ng pondo para higit pang mapataas ang kakayahang tumugon ayon sa dami ng pasyente at klase ng mga sakit na dapat bigyang lunas. Dagdagan ng espesyalisadong pasilidad batay sa mas kagyat at sensitibong kalagayang medikal gaya ng Covid-19, dengue, diabetes, at iba pa.
Bigyang daan ang sistema ng pagbibigay ng atensyong medikal sa pamamagitan ng awtomatikong pagtanggap sa mga pagamutang pampubliko at agarang paglalapat ng lunas kung ang pasyente ay lehitimong taga-Caloocan. Walang maraming rekisitos at hindi mahaba ang proseso para lamang makapagpagamot o makalabas sa ospital.
Advancement and Promotion of Public Services (APPS)
Mga polisiya at programa ng magbibigay daan para sa pabahay (Socialized and On-site Housing Development); katiyakan sa paninirahan (Land Tenure Security); pagsasasaayos ng mga mga kalsada at trapiko (Road Upgrades & Traffic Enforcement - ROUTE); pagsasaayos at pagpapaganda ng mga urban centers, public infrastructures & public spaces (Community & Urban Blights Enhancement - CUBE); pagkakaroon ng mura o libreng kuryente sa pamamagitan ng Solar Energy Systems (Renewable Energy for Sustainable Energy Transformation - RESET). Madaling maisasakatuparan ang mga ito kung ang mga nanunungkulan ay tapat at may kakayahan habang ang mga mamamayan ay aktibong nakikilahok (Participatory, Accountable, Competent and Transparent Governance - PACT Governance)















